Maskara: Nagtatago o Nagpapakita ng Tunay na Pagkatao?

“A mask tells us more than a face” -Oscar Wilde


Maskara, isang simbolismo ng pagtatago. Ano nga ba ito?

Ang maskara ay isang bagay na ginagamit upang takpan ang mukha ng isang tao. Ginagamit ito bilang proteksyon, pagbabalat-kayo, pangkasiyahan, pananakot ng kalaban at maging sa mga pangritwal na kaganapan noong unang panahon.

Sa modernong panahon, ang mga maskara ay isang simbolismo ng pagtatago o pagbabalat-kayo ng isang tao sa kanyang igo.

Sa ilang taon na pamumuhay ko sa mundong ito, aking napagtanto na may dalawang klaseng maskara. Una, ang maskarang materyal o nahahawakan at  pangalawa, may maskara ding ideyolohikal o hindi nahahawakan ngunit na sa atin o na sa ating isipan. Maaring araw-araw, tayo ay nagsusuot ng ating kanya-kanyang maskara. Madaming rason kung bakit natin ‘to ginagamit. Maaring gusto nating ito ang ating tunay na layunin, maaring ayaw natin na makilala tayo ng ibang tao, at iba’t iba pang rason.

Sa modernong lipunan, maaring mahirap nang malaman ang tunay na intensyon ng isang tao sa isang bagay dahil sa tulong ng maskara. Mahirap nang mapredikta kung ano ba talaga ang gusto o layunin. Kaya dapat maging mapanuri at bihilante sa mga bagay-bagay para hindi magsisi sa huli dahil sa maling tao na pinagkatiwalaan at sa kanyang mapanlinlang na maskara.

Bilang aktibidad sa kursong ARTS 1, kami ay pinagawa ng maskara na naglalahad ng aming mga sarili at hindi para itago ito. Ang aking maskara ay pinangalanan kong “Enigmatic Phantom”. Hehehe

mask

Si Enigmatic Phantom ay produkto ng aking kaisipan. Ang pangunahin niyang kulay ay itim na simbolismo ng dilim ngunit nababalot ng mga maningning na kulay tulad ng dilaw, pula, at berde. Ang mga dilaw na bumabalt sa kanya ay simbolismo ng mga insiparsyon ko sa buhay, na kahit na madilim, may liwanag pa rin na nagpapagalaw sa akin upang magpatuloy. Ang semi-colon na berde sa may mata ang simbolismo ng kapayapaan at pamamahinga, na kahit nakakapagod ang buhay, ‘di dapat makalimot na huminto muna pero magpapatuloy muli. Ang pulang kulay naman sa kabilang gilid na tila nag-aapoy ay nagbibigay kahulugan sa pagtingin sa mga bagay na pawang katotohanan lamang, ang simbolo ng pula ay pagiging matapang at kamulatan sa mga pangyayari sa lipunan. Ang mga puti naman na tuldok ay magsisimbolo sa aking mga munti ngunit madaming pangarap na namamag-asang matupad. At ito ang aking “pagkatao” bilang isang maskara.

Leave a comment